Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH

Ako si Genaro R. Gojo Cruz, Isang Maligayang Pagdating!

Blog EntryApr 10, '08 1:09 AM
for everyone

Una kong nalaman at nakilala ang tungkol kay Leona Florentino sa aklat na Sa Ngalan ng Ina ni Lilia Q. Santiago nang kunin ko kurso ukol sa panitikang isinulat ng mga kababaihan sa Ateneo.  Si Dr. Benilda Santos ang aking guro. Maituturing na isang panandang bato ang mga akda ni Leona Florentino sa pagsulong ng feminismo sa Pilipinas.

Sa aking pagdalaw sa bayan ng Vigan, ang pangunahing kong pakay ay makita at mapuntahan ang bahay ni Leona Florentino.  Napansin ko agad na malapit sa sentro ang bahay ni Leona Florentino, kung kaya masasabing nabibilang siya sa mayaman at kilalang pamilya.  Matatagpuan sa Calle Crisologo ang kanyang bahay.  Ngunit sa likod ng momumento ni Leona Florentino ang Maxs.  Pinatutunayan nito na komersyalisado na ang lugar ngunit kahit papaano ay napanatili ng Vigan ang pinagdaan nitong kasaysayan.  

Si Leona Florentino ay ipinanganak noong Abril 19, 1848.  Kilalang makata, satiriko at mandudula sa panahon ng mga Kastila.  Dahil sa kanyang natatanging husay sa pagsulat, kinilala sa daigdig ang kanyang mga akda.  Siya ay anak nina Marcelino at Isabel Florentino.  Ang kanyang mga akda ay naisalin sa iba't ibang wika, ngunit ang mga orihinal na sipi ay nasira noong rebolusyon.  Anak niya si Don Isabelo de los Reyes, ang tinaguriang Ama ng Kilusang Paggawa sa Pilipinas. Siya ay yumao noong Oktubre 4, 1884.

Ang isang bahagi nito ay cafe.  Nagkape kami.  Sabi ng nagsisilbi roon, wala pa raw binabago sa bahay ni Leona Florentino.  Tinanong ko kung may museum sa loob na maaaring puntahan.  Nais kong higit pang makilala si Leona Florentino kahit sa kanyang mga gamit lang, per

o wala raw. 

Sa mga darating na panahon, pangarap ko sanang mahalungkat, maisalin at mabasa sa wikang Filipino ang mga pangunahing akda ni Leona Florentino.  Siyempre, tungkulin ito mismo ng mga Ilokano,

 nang sa gayon maipakilala nila nang husto si Leona Florentino sa mga nag-aaral na panitikan.  Maisama sa mga teksbuk sa hayskul at kolehiyo ang kanyang

mga tula.  At sa mga nag-aaral na panitikan sa kolehiyo, higit at dapat muna nilang pag-aaralan ang mga tula ni Leona Florentino bago ang mga banyagang makatang babae.  Napakahalaga ng ginampanan ni Leona Florentino bilang makata at babae sa panahong nasasakal ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag.             

Mahalaga ang pagsasalin ng mga tula ni Leona Florentino sa wikang Filipino.  Sa aklat kasi ni Lilia Q. Santiago, nasa wikang Ilokano pa rin ang kanyang mga tula.

Ang kung mangyayaring maisasalin ang mga pangunahing akda ni Leona Florentino sa wikang Filipino, tiyak na isa ako sa tatangkilik sa mga ito.  Magiging bahagi ito ng listahan ng mga dapat basahin ng aking mga estudyante ng panitikan.

Alam kong susi ito upang tayong mga Pilipino muna ang magkaintindihan sa isa't isa.

 


Add a Comment